Thursday, December 31, 2009

Manigong Bagong Taon sa lahat!

We greet you all.....





Let's start the year 2010 celebration.........
Bisperas nang bagong taon!

Wednesday, December 30, 2009

The Name

Saan ko nga ba nasamid ang ideang "kutsarap"?

Well, easy di ba..... kutsara at sarap combination lang yan! It'll give you an instant idea na ito ay tumutukoy sa isang kainan. And why kainan? Easy di ba.... basic need nang tao! It would be the easiest and pinaka-comfortable na risk pra sa isang baguhang nagbabalak mag-invest, at least. Anyway, other than that, xempre kailangan mong ma-identify yung niche nang business na'to. Just like any other business, you need to have a niche pra successful ka.

Actually, noong napag-decision-an namin na bumuo nang konting resto business (about 2 weeks ago), duon nagsimula ang puyat at layo nang isipan-mood ko. Mainly due to thinking about different names, naming combos of an eating negosyo. My isang napunong bond paper na nga ako nang naisulat eh, kuntodo mga pakulo na nang planong business. Dami talagang idea na nagsusulputan, ganyak na din to siguro ng excitement ko...ewan ko lng sa kasama ko. Oo excited cia alam ko, but not as me, kc lagi niyang pinapansin na ano na naman daw ang iniisip ko, hehe!

At ayun nga, nabuo na ang kutsarap name without tulad-tulad sa pangalan nang ibang businesses jan. When I was thinking sa kutsara't tinidor, bigla lang nasamid nang dila ko ang kutsarap instead of kutsara't which was "kutsara at" combination. Why not kutsarap na nga, spoon + delicious ay magbibigay gayak sa customer na masarap bawat subo sa resto na'to. I did google it pro lumabas ay isang kutsarap word lang na naisaglit sa Pinoyexchange discussion board; I think 'twas a Komiks tema. Tapos when I tried to use the other known na blogsite, meron na din pala naka-register and as of this writing ay blanko o wala pang laman. Tapos search din ako sa DTI at hayun sapul, may registered eatery na pala na Kutsarap Kainan sa ParaÑaque City. But no worries ako kc hindi naman sa ParaÑaque ako magtatayo nang resto eh. As long na hindi kayo pareho nasa iisang community/locality, legal pa din ang gamitin ko ang name na Kutsarap. But in case na registered trademark name na cia (i.e. Jollibee), of course, kahit saan mang sulok nang mundo na ay may legal issues ka na jan.

Naming your business name can be very tiring, napuyat nga ako eh, hehe! At nang masamid ako sa Kutsarap, "Sakto talaga!", nasabi ko.

Tuesday, December 29, 2009

Dreams....

Mula noong nabasa ko ang librong "The Millionaire Maker", I did try to analyze and structure ang kinatatayuan nang aking financial life - she called it "Gap Analysis".
At sa aking pagi-interpret, since bawat isa sa atin ay di magkakapareho, I did came out with my own sequencing. That was a year ago, and I told to myself (just like what she actually was encouraging to her readers) na I will start kahit sa pinakamaliit na bagay man lang. Save, save, save - it'll grow, and you could start your own small or even home business. Heto't meron naipong konting mapag-uumpisahan.


Basta, magmula noong nabasa ko yun, gustong-gusto ko na talaga magkaroon nang business. Para kasing blueprint pra sa isang successful (small or large) business ang pagkakasulat nia eh - i believed in it! At eto, hindi ako mapalagay many months later, lalo na't dumating na 'tong kasama ko, di na ako nag-iisa.


At sa mga panahong nagdaan na lagi ko nlng naiisip ang mga bagay2x n2, isang Disyembreng umaga na nagising ako... dinampot ko na lang bigla ang ballpen sa tabi at inumpisahang magsulat nang mga menu pra sa isang small resto or eatery/karinderia. At habang nagsusulat ako, pakanta kanta pa ako nang "Breakfast at Tiffanys". No wonder, silogs ang nasa unahan nang aking menu. At that same moment, naisip ko din nung unang vacation ko pra punta at makiramay sa yumaong lolo ko.
Nasa bandang e1 kami, t'was Palm Sunday, we stopped by at nagbreakfast. Ibang iba talaga ang lasa nang karne sa Pinas, nasabi namin non, "Sarap nang silogs nila, tsong!" Napansin din namin na may church sa tapat, palaspas na pala. Napakain pa din kaming magpipinsan.

Anyway, yun ang mga naglilitawan sa isipan ko habang nagsusulat. Nagising tong kasama ko at pinagtatanong kung ano ang aking ginagawa at pakanta kanta pa daw ako, hehe! Sinabi ko sa kanya at xempre, very supportive ang wife ko!

Sabi ni Loral na pinakamabuting business ay yung alam mo na; start from your career as a paid employee. Ano ba ang pinag-aralan mo or your current job? Your hobbies, pwedeng maging starting negosyo lahat iyan. Since ako, kahit ano pinapatos ko.... kain mode ang bwelo ko xempre, hehe! Di rin xempre mawawala ang pag-aralan mo din ang mga pinakapasikot sikot nang negosyong susuungin mo; educate yourself, ika nga. Sa amin, if may mentor kang masasandalan, why not? Oo, alam mo na textbookly....but, di din cguro masama ang may experienciadong mentor. Alam na nia ang mga risks at paraan pra maiwasan! I know and I believe in that kasi na-experience ko na din ang magkaroon nang mentor while trading forex. I did log hundreds if not over a thousand of hours, just by listening/discussing about the many risks, faults, and money management sa napaka volatile na market nang forex. He was very successful with the field and I'm glad that I was one of the many na nabagsakan nia nang kanyang mga pangaral - for free! Yup, experience is a factor and alam ko na may masasandalan (mentor) kami jan nang aking kabiyak.

In summary, that dream and/or those day-dreaming nang inyong lingkod tungkol sa eating business na yan ay kapanipaniwala sa isang mag-uumpisa. A small karinderya with a target demographic can be successful. And who knows, my dreams will come true.....................

Corona Extra... tulog

Akalain mo nga naman, instead na makakapagpahinga ako nang husto this Winter break (bago pa man din susuungin ang huling semester of the program - new career path tayo eh!), heto @ mejo lagi puyat. Minsan talaga eh hirap kunin ang tulog. Ganun siguro pag laging malalim ang iniisip, laging malayo ang nilalakbay. Sobra ba namang daming ideas ang naglalalaro sa isipan ko; buti na nga lang at lahat ay kung papaano manalo nang lottery! Lottery na hindi yung tinatayahan ah. Lottery para maka-jackpot naman tayo sa ating kinatatayuan ngayon. I mean, isang simpleng business na makapag-aabot naman nang decent amount of karangyaan; that's my lottery! I believe na lahat tayo ay mananalo sa lotto thru' sipag at tiyaga. It is like my good interpretation sa kasabihang, "kung hindi makuha sa sampung dasalan, kunin na lang sa sampung paspasan!" Cguro naman, halos lahat tayo kahit papano nag-wi-wish o nagdarasal na sana sa tinayahan nating numero sa lotto, sana naman pagpalain tayo at manalo. Why not, kunin na lang sa tiyaga, paspasan na lang sa trabaho, instead of just waiting for that number to come out and give you fortune. Lagi ko nga sinasabi sa kasama ko na, "sana manalo ako nang lotto". Alam niyo ba kung ano agad ang isasagot nia sa akin? "Hay naku, paano ka mananalo eh hindi ka naman bumibili nang ticket?" Hehehe, she's right, but not quite! Ano kayang lottery ang lagi kong tinutumbok sa kanya? I believe in hardwork, and alam ko or feel na feel ko nmn na hindi ako mananalo sa mga lotto-lotto na iyan eh! At yun nga, to make this posting shorty... narito ako ngayon, my first message pra sa kagagawa kong blog site na'to.

I wish na sa blog na ito, mabubuo ang mga pangarap na yon, na magkakatotoo sa lalong madaling panahon ang mga ideas na nagsusumiksik sa aking mayamang isipan. When I read that book entitled, " The Millionaire Maker" by Loral Langemeier, lalong umigting ang pagnanais kong magkaroon nang business. Lahat naman ay nagsisimula sa maliit, basta go lang! Gustong gusto ko talagang i-invest ang pinaghirapan kong money. Mas masarap ang feeling nang lumagong negosyo galing sa ibaba, kesa sa instant money, yun ay sa akin lang ah! Kaya nga yung mga iba jan na naging instant millionaires ay mabibigla na lang sila na wala na pala silang kwarta kasi naman, mabilis lumabas ang pera pag indi mo pinaghirapan talaga eh, very different pag pinaghirapan mo; at yun ang kasarapan noon. Maging mas masinop ka sa pera, which of course will ultimately make you a good businessman.

Siyang pala, bago pa man din makalayo sa titulo ko.... eto at patapos na din ang isang botelya. Going 1am na, mejo mabilis lang naman ako tamaan eh kasi di naman tayo talaga mahilig uminom. Eto, i'll try na kunin na ang tulogness ko then will see what happens next.. Haha, just filling-up muna tong blog na 'to. Hopefully, mas may sense ang mga sumusunod na tema. Ayt, i'm out na!