Tuesday, December 29, 2009

Corona Extra... tulog

Akalain mo nga naman, instead na makakapagpahinga ako nang husto this Winter break (bago pa man din susuungin ang huling semester of the program - new career path tayo eh!), heto @ mejo lagi puyat. Minsan talaga eh hirap kunin ang tulog. Ganun siguro pag laging malalim ang iniisip, laging malayo ang nilalakbay. Sobra ba namang daming ideas ang naglalalaro sa isipan ko; buti na nga lang at lahat ay kung papaano manalo nang lottery! Lottery na hindi yung tinatayahan ah. Lottery para maka-jackpot naman tayo sa ating kinatatayuan ngayon. I mean, isang simpleng business na makapag-aabot naman nang decent amount of karangyaan; that's my lottery! I believe na lahat tayo ay mananalo sa lotto thru' sipag at tiyaga. It is like my good interpretation sa kasabihang, "kung hindi makuha sa sampung dasalan, kunin na lang sa sampung paspasan!" Cguro naman, halos lahat tayo kahit papano nag-wi-wish o nagdarasal na sana sa tinayahan nating numero sa lotto, sana naman pagpalain tayo at manalo. Why not, kunin na lang sa tiyaga, paspasan na lang sa trabaho, instead of just waiting for that number to come out and give you fortune. Lagi ko nga sinasabi sa kasama ko na, "sana manalo ako nang lotto". Alam niyo ba kung ano agad ang isasagot nia sa akin? "Hay naku, paano ka mananalo eh hindi ka naman bumibili nang ticket?" Hehehe, she's right, but not quite! Ano kayang lottery ang lagi kong tinutumbok sa kanya? I believe in hardwork, and alam ko or feel na feel ko nmn na hindi ako mananalo sa mga lotto-lotto na iyan eh! At yun nga, to make this posting shorty... narito ako ngayon, my first message pra sa kagagawa kong blog site na'to.

I wish na sa blog na ito, mabubuo ang mga pangarap na yon, na magkakatotoo sa lalong madaling panahon ang mga ideas na nagsusumiksik sa aking mayamang isipan. When I read that book entitled, " The Millionaire Maker" by Loral Langemeier, lalong umigting ang pagnanais kong magkaroon nang business. Lahat naman ay nagsisimula sa maliit, basta go lang! Gustong gusto ko talagang i-invest ang pinaghirapan kong money. Mas masarap ang feeling nang lumagong negosyo galing sa ibaba, kesa sa instant money, yun ay sa akin lang ah! Kaya nga yung mga iba jan na naging instant millionaires ay mabibigla na lang sila na wala na pala silang kwarta kasi naman, mabilis lumabas ang pera pag indi mo pinaghirapan talaga eh, very different pag pinaghirapan mo; at yun ang kasarapan noon. Maging mas masinop ka sa pera, which of course will ultimately make you a good businessman.

Siyang pala, bago pa man din makalayo sa titulo ko.... eto at patapos na din ang isang botelya. Going 1am na, mejo mabilis lang naman ako tamaan eh kasi di naman tayo talaga mahilig uminom. Eto, i'll try na kunin na ang tulogness ko then will see what happens next.. Haha, just filling-up muna tong blog na 'to. Hopefully, mas may sense ang mga sumusunod na tema. Ayt, i'm out na!

No comments:

Post a Comment